SIMPLENG ORASAN
PAALAM SA, PAALAM... ITSO
Friday, October 17, 2008
Posted by Berlim at 7:00 PM 0 comments
WEST B LABAN
Monday, September 22, 2008

LABAN WEST B SECTOR CONFERENCE is a successful event. Ang astig ng talk, ang ganfa ng mga sharing, ang ganda ng theme at ang luppet ng venue. I was amaze with those sharers na LUMALABAN despite their problems. Hinding hindi ko pinagsisisihan na pumunta ako dito. Salamat sa mga pumunta at sa mga bro at sisters ko sa TIP. Masaya ako kasi nakumpleto na yung ko despite sa mga nangyari. I hope and pray that magtuloy tuloy na ito. YFCTIP Manila patuloy lang tayong lumaban para sa DIYOS natin.
Kung nadadry ka wag kang mahihiyang magsabi sa mga household head mo. Kung may problem ka sa acads at kung anu ano pa na sa tingin mo matutulungan ka ng mga brother and sisters mo sa yfc. GO ask for help.
Tulong tulong tayong ipakilala ang DIYOS sa mga katulad nating TIPOY at TIPAY. Sama Sama tayong magtulungan para dumami pa tayong makakakilala sa DIYOS. Nakalimutan nyo na ba na maLUPPET ( Lord's Undying Prince and Princess Ever Told) tayo. Kaya wag ka ng mawawala ha. Kapit lang kapatid ko kasi LALABAN TAYO.
WE HAVE BEEN CHOSEN
WE ALREADY STAND
NOW ITS TIME TO FIGHT.
HINDI LANG PARA SA SARILI NATIN ANG LABAN NA ITO, KUNDI LABAN NATIN ITO PARA SA DIYOS NATIN.
LABAN LANG MGA KAPATID.
"FIGHT FOR YOUR LOVE, FIGHT FOR YOUR FAMILY, FIGHT FOR YOUR LIFE AND ESPECIALLY FIGHT FOR YOUR GOD"
BERLIM M. LIMBAUAN
PROUD TO BE TIPOY
PROUD TO BE A YFC
PROUD TO BE A SERVANT
Posted by Berlim at 3:55 PM 0 comments
Labels: berlim
my vote is for lagal[og]
Thursday, September 18, 2008

Hindi ako mahilig pumunta sa blog ng may blog pero nang dahil sa galing ng kaibigan ko sa pagbloblog eh nahawa na ata ako. Pinost nya ang artikulo sa PHILIPPINE BLOG AWARD 2008, na kung saan eh binoto nya ang lagal[og]
bilang bet niya sa nasabing awards.
Natuto na akong magbukas ng ibang blog at ng muli kong silipin ang naturang blog award eh sinubukan kong hanapin ang blog na pupukaw ng aking attensiyon.
lagal[og] got my attention and I vote this blog for PBA 2008 Blogger's Choice.
Hilig ko talaga ang magagandang mga lugar. Ang ganda pa ng mga kuha. Makikita mo yung passion sa pagkuha ng picture. Interesting din yung mga article, di nakakasawang basahin at madami kang aral na mapupulot.
Sa lahat ng di pa nakakaboto, anu pa ang hinihintay niyo. visit Philippine Blog Awards 2008 for more details. BOTO NA...
Salamat sa mga sponsors ng naturang event:
Level Up! Games
Nokia
Blog Bank
Smart Communications
Josiah’s Catering
Rsun Technology Store
Yahoo
XFM 92.3
Buddy Gancencia Reality TV
Ultravision Photo and Video
Click Booth
Aloha Board Sports
Sheero Media Solutions
YourPinoyBroker.com
Belo Medical Group
Inquirer.Net
Toshiba
ROAM Magazine
PLDT
Posted by Berlim at 8:47 PM 0 comments
Labels: berlim, lagal[og], PBA 2008 Blogger's Choice
Pagtakas sa Magulong Kahapon
Wednesday, September 17, 2008

Pagtakas sa Magulong Kahapon
Berlim M. Limbauan
Paano ka nga ba lalayo?
Paano ka nga ba magtatago?
Paano mo nga ba matatakasan?
Ang isang magulong kahapon.
Maniniwala ka kaya?
Kung sabihin kong makakakaya mo pa.
Makawala sa lugar na kung nasan ka ngayon
Isang lugar ng isang magulong kahapon.
Tandang tanda ko pa.
Kung paano tayo pinagtagpo at nagkakilala.
Sa magulong lugar na iyon.
Na kung saan nandun ka hanggang ngayon.
Pinilit kitang akayin papalayo.
Pero sa takot ikaw ay nagtago.
Di ko maintindihan ang dahilan
Bakit ayaw mong iwan ang lugar na iyong pinaglalagyan.
Sabi ko sayo tutulungan kita.
Tutulungan kitang makalaya.
Ngunit nabigo ako.
Sa mga panahong iyon tinaguan mo ako.
Lumipas ang mga araw.
Di kita nakita at natanaw.
Siguro malaya ka na.
Tuluyan ka ng tumakas at kumawala.
Nagdaan ang ilang buwan
Nag baka sakali akong ikaw ay muling matanaw
Di nga ako nabigo
Ikaw ay muling nakita ko.
Akala ko tumakas ka na,
Akala ko pinili mo ng lumaya.
Lumayo sa magulong lugar kung nasan ka ngayon.
Isang lugar ng magulo mong kahapon.
Hindi ko alam kung pano kita tutulungan
Kung sarili mo'y ayaw mong tulungan.
Alam kong magagawa mo pa.
Makatakas sa magulong lugar na kung saan ngayon naroon ka.
Alam kong may paraan pa
Alam kong may pag-asa ka pa.
Naniniwala ako na balang araw mapapagtanto mo.
Lumayo dyan sa magulong lugar na pinaglalagyan mo.
Lagi mo lang tatandaan.
Nandito lang ang iyon kaibigan.
Kung handa ka ng tuluyang lumayo
Tandaan mo isang tawag mo lang nandyan na ako.
Posted by Berlim at 8:20 PM 0 comments
Labels: berlim
IT'S MA BIRTHDAY
Tuesday, September 9, 2008
BIRO MO YON 21 NA PALA AKO. DEBU KO NGAYON. OO DAMI NANGYARI MASAYA AT DAMI BAGO SA MGA GAMIT KO PERO BAKIT PARANG DI AKO MASAYA AT PARANG KULANG ANG ARAW KO. ISANG MALUPIT NA EXPERIENCE ANG MAKASAMA ANG DALAWANG TUMATAYONG TATAY KO SA TIP. C TATAY GHE AT KUA LA. WOW SARAP LANG NG BONDING TIME NAMIN. YUN NGALANG KULANG PA DIN KASI DALAWANG ORAS LANG KAMI NAKAPAGBONDING. KASAMA DIN NAMIN SILA AMBET, TIN, VENNICE, TWINX AT JOSEPH.
Posted by Berlim at 5:27 PM 0 comments
MISS KO NA ANG SIMPLENG BUHAY
Friday, September 5, 2008
Posted by Berlim at 8:30 PM 0 comments
SPEAK IN ENGLISH?
Friday, August 22, 2008
Posted by Berlim at 8:19 PM 0 comments
Labels: berlim
SIMPLE BOY...
Tuesday, August 5, 2008
BERLIM M. LIMBAUAN
It’s all started when I am 16 years old. I remember I am just a simple boy at that age, when I started to love. I have a crush on a girl named Josiebelle Cruz I met her on the examination of a institution where I am studying right now. She a simple girl. A simple girl who also aim to be a scholar. We take the same examinations, we have the same rooms in the exam and we are seated on the same row. I just remember the sign I asked GOD, it a sign when a girl gives her complete name and with no hesitation to talk to me she is the one who will I court in my college life.
After the exam, I think I didn’t passed the examinations or I just pass the exam for accountancy but it doesn’t matter because I decided to use another scholarship and take a engineering course. I took up BS Computer Engineering The first day of the class started but I don’t she her. I am asking myself about her. Is she didn’t passed the exam or she decided to study in the universities along the university belt. Time, hours, days, months and years have passed but I didn’t see a glimpse of JB (her nick name). It was almost 2 years searching her in the campus and waiting to see a glimpse of her. But I failed. It is the time I decided to search for another girl that I can give some time of my life and if possible my first girlfriend.
I remember the time when my “tropa” told me that she has a beautiful classmate and still single. I get her number to my friend and text her. She replied quickly and asked where I get her number. I said to her that my friend or “tropa” give her number whom is her classmates. We get to know each other in the text. Her name was Edlyn Capalad. She was 17 years old.
Minutes, hours and days passed and I decide to have a eyeball. As usual to some text mates that who usually has to meet after they know each other. We meet at SM Marilao where her school is near. It was lunchtime when we met. It was my first time to have a date. We ate at KFC. We are shy to each other at that time that only few things are said.
After that a few weeks later, I said to her that I will court her and if she can my girlfriend? It had been a month and a half before she decided to say “YES” to me. It was December 9, 2006 when she replied me with a “YES”. She says “YES” to me through text. It was informal that’s why I tell her that we should meet again to have a formal relationship. At the same time and the same place where we first met. She was my first girlfriend. It was one my happiest moments in my life because there’s a person who will be my companion and who will sit in me in the lonely moments of my life and also who will be the apple of my eye. Also it is a blessing from GOD that after what happened, GOD has given me the chance to see a glimpse of that simple girl. I saw JB again. But I have already committed that’s why I didn’t court her instead we became closed friends.
I remember the first time she broke my heart, she was texting me at that night and it happened that I didn’t reply to her text because I am to busy preparing the food that my family will eat. She calls me at my cell phone and arguing me. Why I didn’t text her? Why I didn’t reply? And why I ignore some of her calls. I remember it was 10 seconds before January 2007 will come when she decided that we should have a cool off and ended her long call. It hurts me a lot. Along with the countdown my tears fell down. It was the only New Year that I cry because of her. After the countdown I call her and say sorry for what I have done. She has given me a pardon and we are again.
Our 1st monthsary came. We met again and I give her my surprise gift. I thought, It will be a long relationship but It fades when she decided to broke up with me 15 days after our monthsary. Double the sadness when the month of February comes which usually the month of love and lovers. She gives me another chance but due to long distance relationship we decided to end it already and have a break.
It was a year before I came to the point that I have move on to that relationship. I said to myself that I should move on to that relationship and to seek for a new love that will last. I remember JB and I decided to court her but again I failed because she has a relationship with a marine student. How sad it is but I need to face the reality.
Now the simple boy learns a lot. He love again but failed. He started to move on but the passed didn’t letting him to move on. Right now the journey of the simple boy is still on going. He didn’t know where and when would it happen that his dreams, hopes and wishes will granted but now he’s happy. He enjoys his life to the fullest. Because he believes in this: TRUE LOVES WAIT BUT DON’T FORGET TO SEARCH IT…
Posted by Berlim at 10:39 AM 0 comments
Labels: berlim
Anu nga ba ang tingin sa akin ng ibang tao?
Thursday, June 5, 2008
Ilang taon na rin ba akong nanahimik at di nagrereact sa issue tungkol sa aking pagkatao. Ilang taon ko na din binalewala ang isyong ito pero ngayon ayaw ko nang manahimik. Gusto ko ng basagin ang katahimikan ng aking pagkatao.
Ilang beses na akong nasaktan at nayurakan ang pagkatao pero ok alng sa akin yun kasi alam ko naman kung sino nga talaga ako. High School palang ako ganito na ang tanong sa akin eh. BADING ka ba? Gusto kong maiyak ng mga panahon noon nung nasabi sa akin yun pero mas pinili ko ang umiwas at lumayo nalang muna upang makaiwas sa away. Doon nagsimula ang pagtatanong sa sarili ko. Ganun ba ang tingin sa akin ng mga tao. Isang BADING.
Grumaduate ako sa HIGHSCHOOL na bitbit ang tanong na iyon. Laking pasasalamat ko sa mga tropa kong sila Bryan at Laurence kasi dinamayan nila ako sa mga panahong kinakaharapat ko ang problema sa aking pagkatao. At isa sila sa mga nagsabi na hindi ako ganun at naniniwala sila na hindi ako ganun. Tumuntong ako sa KOLEHIYO na walang GF at niloloko na ng mga TITO ko. Pero ok lang kasi mas kilala ko ang sarili ko.
Nakalimutan ko ang lahat ng mga tanong na iyon ng sinubukan kong manligaw muli. Doon ko nakilala ang una kong GF c EDLYN CAPALAD. I thought our relationship will last pero di kami nagtagal. Masakit sa akin yun pero tinanggap ko. Halos 1 year din yun bago ako makarecover at manligaw ng iba. Pero sa kasamaan pala nabigo uli ako.
Ngayon halos 2 taon na akong walang GF at still searching. Pero masakit lang uling malaman na hanggang ngayon ang tingin sa akin ng ibang tao ay BADING pa din. Ewan ko ba kung bakit ang mundong ito ay mapanghusga talaga. Aminado ako na naging hindrance ito sa buo kong pagkatao at dumating na din sa puntong sumuko at inisip na ganun nga siguro ako. Ngayon aminado ako na hindi pa din nawawala ang isyung yun pero ngayon alam ko sa sarili ko na hindi ako ganun. Laking pasasalamat ko sa mga kapatid ko kay KRISTO na walang sawang sumuporta at pinayuhan ako sa laban ko sa aking pagkatao. Lalo na sa tumayong tatay ko sa campus si tatay eg boi o mas kilalang kuya ghe. At dalawa kong nagiging HH HEAD na c mj at elad. At sa lahat ng YFCTIPM at YFC'S. Salamat....
Dami ko natutunan. Dami kong gustong patunayan. Pero sabi lang ng DIYOS ko sa akin ay ganito "hindi mo kailangan patunayan sa mundo kung sino ka kasi napatunayan mo na sa akin ang tunay mong pagkatao." Sarap lang ng feeling na sa struggles na kinaharap ko madami akong natutunan at ito yung naging sandata ko upang mas mahulma ng husto at mas mapalapit sa DIYOS ko.
Ngayon wala na akong pakialam sa tingin ng iba sa aking pagkatao. Hindi ko na din ako masasaktan sa mga magsasabi sa akin na BADING ako kasi napatunayan ko na na di ako ganun.
Masaya na ako ngayon na kahit wala pa din GF atleast natapos ko na ang struggles ko sa aking pagkatao at ngaun gusto kong sabihin sa lahat malaya na ako. HINDI AKO BADING.......
"God has created us with our own uniqueness.... so be happy for what you are because YOU are a unique creation of GOD." -BERLIM.
Posted by Berlim at 9:10 AM 0 comments
Labels: berlim
PROUD KA BA MAGING FILIPINO?
Thursday, May 29, 2008
Isa lang ako sa mga milyon-milyong tao na proud to be a FILIPINO. Kaya anu pa hinihintay mo join na.
BERLIM M. LIMBAUAN
PROUD FILIPINO
Posted by Berlim at 8:35 AM 0 comments
Labels: berlim
Pagbabalik bilang Bloggero.
Saturday, May 24, 2008
Nakakamiss din pala ang pagbloblog. Grabe for almost ilang months di ko navisit itong site ko. Ang dami ko namiss na mga blogger. Nakalungkot lang kasi konti palang ang bumibisita sa blog ko. Pero ngayong naagbabalik ako bilang bloggero, gagawain ko lahat para dumami ang mga kakilala ko sa blog.
Add nyo ako ha eto blog ko:
berlim-limbauan.blogspot.com
wait ko log mo ha.. Thanks and Godbless
Posted by Berlim at 11:11 AM 0 comments
Labels: berlim
Landas ng Pagbabago
Landas ng Pagbabago
Berlim M. Limbauan
Unti-unti akong umuukit
Unti-unti din itong napupunit
Sinubukan kong muli itong mabuo
Ngunit sa kasamaan palad ako ay nabigo.
Naligaw ako ng landas
Hindi ko alam kung saan ang daan palabas
Sinubukan ko itong hanapin
Ngunit di ko talaga makita ang landas na tatahakin.
Dumating ako sa puntong nawalan na ng pag-asa
At halos sa KANYA'y di na muling magtiwala
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana
At sa isang saglit ako'y napaisip at napatulala.
Tandang tanda ko pa noon ang isang kong pangako
Ito'y sa KANYA muling dumunog at ialay ang buong pagkatao
Di nga ako nagkamali....
Muli NIYA akong tinanggap ng walang pasubali.
Aminado pa rin ako ngayon,
Hindi ko alam kung kelan talaga dadating ang tamang panahon.
Na ang nakaraan ay tuluyan ng maibabaon
At di na babalik sa isang magulong kahapon.
Kahit ngayon nga aminado ako,
Hindi ko alam kung paano sisimulan ang muling pagbabago.
Sa ikalawang pagkakataon ako'y nagbalik loob sa KANYA.
Makikita ko na nga kaya ang landas na di ko noon makita kita.
Hindi ko pa alam kelan mangyayari
Pagbabagong hinahanap sa aking sarili
Pero naniniwala pa din ako
Na di magtatagal makikita ko rin ito.
Ang hiling ko nalang sa KANYA ay ganito:
Gabayan ako sa sa paghahanap sa Landas ng Pagbabago.
Akayin niya ako sa tamang landas
Upang pagbabagong hinahanap ay makita na sa wakas.
Posted by Berlim at 8:25 AM 0 comments
Labels: berlim