SIMPLENG ORASAN

Ang Pag-ibig kong Lito

Monday, January 22, 2007

Ang Pag-ibig kong Lito
Berlim M. Limbauan


Minsan ako'y nainlab
At sa kanya'y ako'y nagmahal
Ngunit sa di inaasahan panahon
Siya pala'y sa iba na nakatuon..

Masakit man kung iisipin
At masakit sa damdamin
Ngunit kailangan ko itong tanggapin
At sa iba nalang ituon ang pansin.

Sa ikalawang pagkakataon
Sa di inaasahan oras at panahon
May dumating na panibago
At baka nasa kanya na ang hinahanap ko

Ngunit tila may galit sa akin ang mundo
Na hanggang ngayong isip ko'y litong lito
Sapagkat sa ikalawang pagkakataon
Bigo na naman ako!!!!!!!...

Minsan sarili ko'y aking tinanong
Ano ang nangyari at pinagkakaitan ka ng panahon?...
Natawa nalang ako sa aking sarili
Baliw na nga ako at wala na sa aking sarili

Ang pag-ibig nga naman sadyang ganyan
Mapaglaro at ang hirap masakyan
Kung kelan natututo ka nang muling umibig
Saka naman bumabalik ang dati mong pag-ibig....

Hanggang ngayon isip ko ay litong lito
Sino sa kanila ang pipiliin ko
Yung dati,na pinagpalit ako sa iba
Oh yung ngayon, na kung saan ako masaya....

Hindi man ako sigurado kung sino ang pipiliin ko
Masaya pa rin naman ako...
Dahil kahit ganito lang ang aking pagkatao
Alam ko may magmamahal din sa katulad ko....