SIMPLENG ORASAN

PROUD KA BA MAGING FILIPINO?

Thursday, May 29, 2008

Halata bang proud to be Filipino ako? Aba syempre noh. Kung isa ka din sa mga proud na filipinong katulad ko. Suportahan natin c Mr. Angelo Aquino sa kanyang proyektong nagpakita na maraming mga kapwa natin ang proud na maging FILIPINO. Kaya anu pa hinihintay natin. visit this site http://gfolio.multiply.com/ and you will get the info there how to join to the project of mr. aquino.

Isa lang ako sa mga milyon-milyong tao na proud to be a FILIPINO. Kaya anu pa hinihintay mo join na.


BERLIM M. LIMBAUAN
PROUD FILIPINO

Pagbabalik bilang Bloggero.

Saturday, May 24, 2008

Nakakamiss din pala ang pagbloblog. Grabe for almost ilang months di ko navisit itong site ko. Ang dami ko namiss na mga blogger. Nakalungkot lang kasi konti palang ang bumibisita sa blog ko. Pero ngayong naagbabalik ako bilang bloggero, gagawain ko lahat para dumami ang mga kakilala ko sa blog.

Add nyo ako ha eto blog ko:

berlim-limbauan.blogspot.com

wait ko log mo ha.. Thanks and Godbless

Landas ng Pagbabago

Landas ng Pagbabago
Berlim M. Limbauan


Unti-unti akong umuukit
Unti-unti din itong napupunit
Sinubukan kong muli itong mabuo
Ngunit sa kasamaan palad ako ay nabigo.

Naligaw ako ng landas
Hindi ko alam kung saan ang daan palabas
Sinubukan ko itong hanapin
Ngunit di ko talaga makita ang landas na tatahakin.

Dumating ako sa puntong nawalan na ng pag-asa
At halos sa KANYA'y di na muling magtiwala
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana
At sa isang saglit ako'y napaisip at napatulala.

Tandang tanda ko pa noon ang isang kong pangako
Ito'y sa KANYA muling dumunog at ialay ang buong pagkatao
Di nga ako nagkamali....
Muli NIYA akong tinanggap ng walang pasubali.

Aminado pa rin ako ngayon,
Hindi ko alam kung kelan talaga dadating ang tamang panahon.
Na ang nakaraan ay tuluyan ng maibabaon
At di na babalik sa isang magulong kahapon.

Kahit ngayon nga aminado ako,
Hindi ko alam kung paano sisimulan ang muling pagbabago.
Sa ikalawang pagkakataon ako'y nagbalik loob sa KANYA.
Makikita ko na nga kaya ang landas na di ko noon makita kita.

Hindi ko pa alam kelan mangyayari
Pagbabagong hinahanap sa aking sarili
Pero naniniwala pa din ako
Na di magtatagal makikita ko rin ito.

Ang hiling ko nalang sa KANYA ay ganito:
Gabayan ako sa sa paghahanap sa Landas ng Pagbabago.
Akayin niya ako sa tamang landas
Upang pagbabagong hinahanap ay makita na sa wakas.