SIMPLENG ORASAN

Saturday, September 8, 2007

Nasilip, Nakita at Naramdaman
Berlim M. Limbauan


NASILIP ko sa dako paroon
Ang isang grupong nagtitipon
Ako'y napaisip at sarili'y tinanong
Ano kayang meron doon?!..

Ako'y nagtataka!!!
Kung ano ang kanilang ginagawa
Ngunit sa sobrang kaba
Sila'y aking binalewala.

Lumipas ang ilang araw
At muli ko silang natanaw
Ngayon iba na ang akin nadarama
Parang gusto kong lumapit sa kanila.

Ewan ko ba kung bakit?.
Mga paa ko'y kusang lumapit
At habang ako'y papalapit sa kanila
Puso ko'y sobrang kaba

Dumating sa puntong malapit na ako
Sa sobrang kaba, di ko na alam ang gagawin ko
Gusto kong umatras at tuluyang lumayo
Pero alam ko, nakita na nila ako

Nagulat ako sa kanilang ipinakita
Kakaibang pagtanggap na ngayon ko lang nadama
Nang sa kanilang ipinakita at ginawa
Kaba ko'y kusang nawala at naglahong parang bula.

Hindi man ako perpektong tao
Kahit pa maraming kasalanan ang nagawa ko
Maluwag nila akong tinanggap
Na walang halong pagaalinlangan at pagpapangap


Unti-unti ko silang nakikilala
At sa grupo nila ako'y nakasama
Unti-unti nila akong tinuruan
Ng mga mensahe na galing sa banal na kasulatan

Sobrang dami kong natutunan
At dahil sa kanila'y marami akong nalaman
Natuto uli akong magrosaryo
At muling buksan at basahin ang bibliya ko.

NAKITA ko ang kakaibang saya at ligaya
Sa grupong ito at sa kanilang ginagawa
Sa kanila ko din uli nakita
Pagkakaibigang matagal ko nang di nadarama...

NARAMDAMAN
ko din sa kanila
Pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa
Pagdamay sa mga taong nasasaktan
At pagtulong sa mga nangangailangan

Laking pasasalamat ko sa kanila
Dahil buhay ko'y sadyang nag-iba
Buti nalang nakilala ko sila
At sa grupo nila ngayon ako'y kasama

Alam ko bago palang ako sa grupo
Pero ang laking tulong nila sa aking pagkatao
Hindi man ako ganoon kaperpekto
Tinanggap nila ako ng buong buo

Alam ko marami pang mangyayari
At hindi ko pa ito ngayon masasabi
Basta ngayon ang alam ko
Masaya ako sa bagong buhay ko

Sobrang salamat,
PANGINOON
Sa bagong barkada't kaibigan na meron ako ngayon
Barkadang ikaw lamang ang pinaguusapan

At ikaw lamang ang pinupuri at pinasasalamatan.....