SIMPLENG ORASAN

Karanasan sa Nag-aalab na Pagmamahal ng YFC

Tuesday, October 30, 2007

Karanasan sa Nag-aalab na Pagmamahal ng YFC
Berlim M. Limbauan

Ilang taon din akong kinulit kulit ng mga kakilala ko na member ng organisasyong "YFC". Aminado ako nung una na nahihiya ako kasi di ko naman alam kung ano ang gagawain dun, di talaga ako interesado. Tandang tanda ko pa, halos dalawang taon na din ang nakakaraan ng una akong maaya ng kaibigang kong c fjordan, pero di ako pumunta at di ko cya pinanansin. Lumipas ang ilang taon na ilan na din ang nagaaya na sumali daw ako at magcamp.. cla joma, maj, marose, claire, jake at joseph ang ilan sa mga taong nagyaya sa akin after kong di pansinin ang aya ni fjordz. Aminado ako nung una na tinanong ko ang aking sarili kung bakit ginusto pa ni fjordz ung barkada nya kesa sa amin. Naasar pa nga ako sa kanya nun kc wala tlaga cyang time sa tropa.

I remember that one situation ng magkawatak ang "TROPANG KAMOTE" isang word lang ang nagpabago nun at un ang word na "HAMPASLUPA". Di na importante ang buong detalye kung anung nangyari pero dun nagsimula na magwatak watak kami at c fjordz ay tuluyan ng sumama sa mga bago nyang barkada, ang mga kaibigan nya sa "YFC". Ilang taon ko din na inisip ano nga bang meron sa organisasyong "YFC" na yan kung bakit nasabi ni Fjordz na mas masaya sya dito.

Ilang araw, buwan at taon din akong kinulit ng kinulit ng mga kaibigan ko hanggang sa sinubukan kong sumama. Naalala ko pa ang una kong experience na makasama yung mga YFC at yun yung sa GK TATALON, sobrang anamaze lang ako sa bayanihan na pinkaita dun kaya naisip ko na masarap nga at masaya. Naaalala ko pa nga ung mga topic sa sa "TALK " na tinatawag nila. "BAYAN, BAYANI AT BAYANIHAN". Talk 1 ang topic ay "BAYAN", talk 2 naman ay "BAYANI" at pinakahuli ay talk 3 "BAYANIHAN". At may tagline pa sila na pag narinig ang word na GK1MB ang sasabihin ay "KASALI AKO DYAN". May point si fjordz sa sinabi nya na masaya. Pero hindi pa rin ako ganoon kainteresado na sumali.

Lumipas lang ang araw at nagbakasyon na. Ewan ko kung bakit parang namiss ko yung ginawa namin sa GK site. Dumating ang pasukan at hindi parin ako member ng organisasyong "YFC". Ang daming nangyari at dumating yung araw ng membership week na isa ako sa project owner. Ang daming org at iba iba ang kanilang mga pakulo para makahila ng mga miyembro. May mga academic orgs para sa iba't ibang kurso. athletic org para sa mga mahilig sa sports, may mga praternity, org na kung anu ano lang at yung mga religious org lang. Naaalala ko pa nga yung mga sinalihan kong nun, syempre sa COESS at HACRSS, sayang ang points eh. Sumali din ako sa scrabble org ng marine, KKB at ang pinaka huli kong sinalihan ay ang "YFC". Napilitan pa talaga akong magpamember nun kasi wala na talaga akong pera at 25 yung membership nila at 50 kung may kasamang sim. Eh saktong 50+ nalang yung pera ko sa pinataka pero ewan ko kung baikit pati yung sim pinatulan ko na. Ang dahilan ko lang naman nung una kung bakit ako nagpamember ay para makatulong sa GK eh pero nagbago ang lahat.

Nagbago ang lahat ng umattend ako ng PM kung tawagin nila na ang ibigsabihin ay "PRAYER MEETING". 6:30 ang tapos ng klase ko nun pero nakalimutan ko na may PM that day kasi nagchacharge pa ako ng cp ko sa canteen ng boarding house ko. Ang labo kasi di ko maintindihan yung sarili ko kung bakit talagang nagmamadali pa akong pumunta ng CASAL nang makita kong mag 7:oo o clock na pala. at bigla kong naalala na may PM pala that day. Hinahanap ko pa nga sila fjordz nun kung nasan na sila kasi sa teletubbies daw ang venue pero di ko sila nakita yun pala nasa gilid sila, di ko alam ang gagawain ko that day at binalak ko pang magbackout kasi natatakot ako pero hinila talaga ako ng mga paa ko papunta dun.

Dun ko una nadama na tama nga si Fjordz masaya nga talaga. Grabe yung welcome nila sa akin that day. Nagworship pa nga kami nu eh hilig ko talaga ang mga worship song kaya lalo akong natuwa. I remember pa nga na si Fjordz pa ang nagtalk nun eh. Di ko na masyadong maalala kung ano yung topic ng talk niya that day ang naaalala ko na topic ay "CHAMPIONS OF GOD" yata un pero nagenjoy talaga ako nun.

Next event ko sa "YFC" ay ang "FRESH PARTY" aminado pa nga ako nun na hindi pa ako masyadong close sa mga tao na kasama namin. Ang nakakausap ko lang dun ay si Fjordz, si Matt, si Chie at si Mj. hindi ko pa masyadong close nun si kuya ghe. Pero ang saya nung experience na yun kaso wala akong remembrance ng pic kasi sila sila lang ang nagpipicture nun eh nakakahiyang sumingit.

After nun ay ang nagkaroon na ng "HOUSEHOLD" na kung tawagin nila. Tinanong ko pa nga si kuya ghe nun kung yun ba ay tungkol sa gawaing bahay at natawa nalang sya sa akin. Excited akong malaman kung anong ginagawa dun at kung sino ang magiging "HOUSEHOLD HEAD" ko. Nalaman kong si Mj yung head ko, noong una nagtanong ako kung bakit siya pa eh mas matanda ako sa kanya at kasi ang impresyon ko nun kay Mj ay mayabang, mahangin at kala mo kung sino. Sabi ko nga sa sarili ko si Mj ba ang head ko eh mukhang di nagdadasal yan. Pero nagbago ang lahat ng mag household na kami, napakamature niya pala at nahiya ako sa sarili ko kasi naunder estimate ko kaagad siya. Napakaseryoso niya pag si God ang pinaguusapan. Ibang Mj ang nakilala ko sa household na yun at natuwa talaga ako at mas nakilala ko si mj. Nakailang household din kami at each household may games kami na mas lalong nagiging exciting yung hh namin. Pero hindi lahat ay naging masaya sa hh namin, minsan ay wala kaming hh for some reason na naiintindihan ko naman at naipaliwanag naman ng husto. Aminado nga akong nadry ako kasi halos tatlong week kaming walang hh at yung huling hh namin di pa naging maganda. Acad mode kasi lahat that days kaya ok lang pero ioopen ko na din na nagtatampo talaga ako noon kay Mj pero tapos na yun eh. Natapos na ang sem at sabi ni kua ghe eh magbabago ng hh head. Nakakalungkot kasi di ko pa masyadong nakilala ng husto yung head namin pero kung yun yung will ni Gog eh ok lang pero kung ako ang tatanungin mas gusto kong c mj parin ang head ko para mas makilala ko pa siya.

Next is the most unforgettable "MEGA CAMP" na ginanap sa bloomhills, taytay rizal. Dapat AUGUST 16-18 yung date ng camp na yun pero nausog. Ang lakas kasi ng panalangin ni marvs at tin nun kaya di natuloy. AUGUST 25-27 ang naging bagong date ng camp na iyon na pinamagatang "F1: GOD=LOVE". Ito yung masasabi kong start ng buahy ko as a "YFC". Mula sa mga talks, sa mga bago kong kaibigan at mga bago kong kapatid kay GOD ay maraming nagbago sa buhay ko at marami akong natutunan. Ang sarap ng feeling na matanggap ang GOD'S GIFTS at marenewed ka as a new person. Ang faci ko nga nun ay Mj at siya yung una kong nak 1 to 1's. Siya ang nagturo sa akin ng seven SPIRITUAL gifts of GOD. HEALING, REPENTANCE, FAITH, KNOWLEDGE, WISDOM, PROPECHY at TOUNGUES. Ang dami kong natutunan sa faci ko that day.At naiconfess ko na ang pinakabiggest sin na ginawa ko sa buhay ko. Salamat talaga kay God kasi nailabas ko na siya. Grabe ang naging experience ko nung camp na yun. Babing baby kaming mga bago. Grabe magmahal ang ng mga brothers and sisters sa YFC.

After nun ay ang CAMPUS ASSEMBLY na tinest talaga ang PATIENCE namin sa paggawa ng baner. Super overnight kanila kuya ghe at super walang tulog. Pinagalitan pa kami ni Mj nun. Ang pinakamemorable na word ko sa paggawa ng baner ay "BAHALA KAYO". hehehe. Dito ko mas nakilala si mj at si kuya ghe. Dito ko sila nakabonding ng husto at dito ko sila naging close. Ang ganda ng experince ko sa campus assembly kasi nagkalat ako sa dance pero ok lang yung kasi talagang inenjoy ko yung sayaw kasi para kay God naman yung. Ang saya kasi worthy yung mga pagod namin sa baner kasi naging 2nd place yun hindi man 1st place pero ok na din atleast worthy naman. At birthday pa ni chie nun at sinelebrtae pa namin yung birthday niya kanila kuya ghe.

After nun ang pinakamemorable na birthday celebration at ang super textpass na greetings na nagparamdam sa akin kung gaano ako kamahal ng mga ka YFC ko at ni GOD. Grabe yung birthday celebration na yun kasi naging amazing race ang dating na matagal ko ng gustong maranasan. Sobrang pasasalamat ko kung sino man ang nakaisip nun kasi nagawa ko yung isa sa pinakagusto kong gawin at nagawa ko pa yun sa mismong kaarawan ko. Ang pinakamagandang gift na binigay ng YFCTIPMLA FAMILY ko. Grabe din ang ganda nung picture frame with a twist of my tula na regalo sa akin. Naaalala ko pang ginamit pa ang sector conference para dun. what a whit lie di ba?. Pero ang saya ng experience ko na macelebrate ang 1st birthday ko as a "YFC" at kasama ko ang mga brothers and sisters. At isa sa nagpasaya sa akin ay nang may nagbigay sa akin ng "PDL" na matagal ko ng gustong bilhin pero di ko mabili kasi ang mahal. Sobrang pasasalamat ko sa inyo. grabe to the max.

Ang super nakakapagod na pagpunta ko sa sector conference na ang naabutan nalang namin ni chie ay ang worship pero ok lang kasi nakakarelieve ng pagod, nakakarelax at ang saya nag feeling. Nakabili pa ako ng tshirt. Ang tema pala ay "STAND". yan ang sigaw ng WEST B. "Stand, pick up your mat and walk". Grabeng saya ng sector con experience na yun na dun na din kami nagkabati ni marvs.

At ang kakatapos lang na "METRO MANILA CONFERENCE" na ang teme ay "OUT LOUD". Ito ang isa sa di ko makakalimutan kasi ang daming nangyari dito. Ito ang masasabi kong masaya, magulo at malungkot kong experince sa YFC kasi ang daming nangyari. Grabe naging messenger pa ako after ng metro con. May mga nagkagalit after, may gustong lumayo, may gustong di muna magpaparamdam. Aminado ako na naasar ako, nagalit at nagtatampo that day sa mga taong involve sa mga nangyayari pero sobrang binatukan lang ako ng DIYOS ko sbi nya sa akin na wag na akong magdagdag pa ng problema bagkos tumulong daw ako na maayos ang lahat. Ang natutunan ko dito ay "LORD ANG SAKIT PERO ANG SARAP". ANG SAKIT kasing malaman na may nangyayaring ganito pero ANG SARAP na malaman na kung ano man ang nararamdaman ko ngaun at kung ano man ang nangyayari ay nandyan ang DIYOS ko na nagpapaalala sa akin ng lahat.

Alam kong marami pang mangyayari pa sa buhay ko as a YFC, maging malungkot pa yan, masaya, magulo at nakakalito basta ang alam ko ramdam ko sa puso ko ang pagmamahal at pagkalinga ng mga kapatid, kaibigan at katropa ko kay GOD. at sila ang mga brothers and sisters ko sa YFC.

"My journey in seeking my purpose in LIFE is just starting and knowing my GOD deeply and hearthly is getting stronger, How I wish that with this journey, MY GOD and YOU will be my guide".

Ewan ko.......

Di ko alam kung ano ang gagawin. di ko alam kung ano ang sasabihin. di ko alam kung paano ako magrereact sa lahat ng mga nangyayari. Lubos akong naguguluhan, lubos akong nasasaktan at lubos na nahihirapan. Sobrang saya ng 1st METRO MANILA CONFERENCE na pinuntahan ko pero after nun ang daming nangyari at sobrang naguluhan ako!!!! Aminado ako na naasar ako, aminado ako na nagalit ako at aminado din ako na nakasakit ako!!!!!!!!

Naaalala ko pa ang mga nangyari at hindi na ito mawawala sa aking pagiisip kasi tumatak na ito. Aminado akong di ako nakahingi ng tawad kay dave na nagtanong sakin kung ano ba ang nangyayayari kc maski ako di ko alam kung anong nangyayari.

Nung araw na yun habang nasa bus ako di ko pinapahalatang nasasaktan ako, di ko pinapahalatang natatakot ako at di ko pinapahalatang naguguluhan na ako. Masakit sakin ang lahat kasi ako ung naging messenger ng mga nangyari at ako ung iniwanan ng message na iyon.

Tandang tanda ko pa bawat letra at salitang binitawan ng head ko "Pakisabi dun sa presidente nyo magququit na ako sa YFC" tinanong ko cya kung bakit pero eto lang ang kanyang nsabi "itanong mo dun sa presidente nyo".

Ang sakit na marinig at malaman na kaya pala kaming iwan ng household head namin, ang sakit malaman na may isang aalis at ang masaklap pa ay ung head namin un. Sobrang nalungkot ako ng araw na un. Paguwi ko sa bahay kala ko medyo makakalimutan mo muna un 4 awhile un pero hindi pala, di talaga ako mapakali. Hindi pa dun natapos ang lahat, may nagtxt pass pa na di muna cya magpaparamdam. Tinanong ko din cya kung bkit pero nsaktan ako kc di nya cnbi kung anong dahilian. sobrang mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon, nasa stage pa ako na may mga sarili din akong problem pero kaya ko tong ihandle.

Di ko alam kung magtatampo ba ako sa kanila, di ko alam kung magagalit ba ako at di ko alam kung paano ako magrereact pero sobrang binatukan lang ako ng DIYOS ko sbi nya sa akin na wag na akong magdagdag pa ng problema bagkos tumulong daw ako na maayos ang lahat.
Sa mga brother n sisters ko na alam kong sobrang naapektuhan sa mga txtpass, sa mga nangyayari at sa mga aalitan at alisan, tumulong tayong ipagdasal na maayos na tong mga nangyayari at tayo nalang ang umintindi sa lahat ng mga nangyayari.

Toma na ang alitan at toma ang tampuhan, isa lang ang natutunan ko sa metrocon "LORD ANG SAKIT PERO ANG SARAP". ANG SAKIT kasing malaman na may nangyayaring ganito pero ANG SARAP na malaman na kung ano man ang nararamdaman ko ngaun at kung ano man ang nangyayari ay nandyan ang DIYOS ko na nagpapaalala sa akin ng lahat.

Iam looking forward na maayos na ang lahat at matapos na ang isang bangunot na ito. Na bukas pag kagcing ko ay makikita kong ang YFC TIP MANILA FAMILY ay buo at kumpleto.
"WALANG DAPAT UMALIS, WALANG DAPAT LUMAYO AT WALANG SUSUKO" message yan sakin ni GOD kahapon. at ngayon ang message sa akin ng DIYOS KO ay "MAGMAHAL LANG NG MAGMAHAL". Tama sya. di na ako magtatampo, di na ako magagalit at di ko na din uulitin ung dati kong ginawa na gusto ko ding umiwas kasi natatakot akong bka iwan nyo akong lahat bagkos mangunguna ako hindi sa pagalis kundi sa pagaayos ng mga gusot at problemang kakaharapin ko at ng mga kaibigan ko!!!!!!!

"WE HAVE OUR OWN STRUGGLES IN OUR OWN LIVES AND I KNOW THAT WE NEED TO FIXED IT IN OUR OWN BUT DONT FORGET THAT THERE ARE STRUGGLES THAT WE NEED A FRIEND TO SUPPORT AND HELP US" Always remember guys and gals na GOD is always there to support and help us. He is our BESTFRIEND always ready to listen to us kahit iwan na tayo ng mga taong mahal natin.

GODBLESS TO ALL. ONE FAMILY, ONE COMMUNITY AND ONE YFC, ONE MANILA LUPET!!!!!!!!!!!!!!!!! kaya natin to YFC TIP MANILA.

GRADE SLIP

GRADE SLIP
Berlim M. Limbauan

Limang buwan na pinaghirapan
Dugo’t pawis ang naging puhunan
Ang bawat oras at panahon ay inilaan
Upang ito ay makamtan lamang

Pumasok ka sa iyong mga asignatura
Sumagot ng mga tanong sa matematika
Pati kuryente ay pinag-aralan mo na
Makamit lang ang hinahangad na marka

Di ininda ang katawang masakit
Upang sa klase ay hindi mawaglit
Dahil kung ika’y mawala ng saglit
Baka hinihangad na marka’y di makamit

Hindi ka na natutulog
Baka kasi bukas makakuha ka ng itlog
Kaya’t nagbasa ka’t nag-aral ng mabuti
Baka kasi bukas sisihin mo ang iyong sarili

Natapos mo na ang lahat
Sa tingin mo ba ito’y sapat?
Kaya’t di ka na mapakali
Lagi mong tinatanong ang iyong sarili

Dumating na ang oras na pinakahihintay mo
Ano kaya ang naging marka ko?
Pumila ka na dahil di ka na mapakali
Ngunit sa kasamaang palad ika’y nasa huli

Unti-unti nang umuusog ang pila
Malapit mo nang makuha, ang gusto mong makuha
Eto na’t nasa harapan mo na
Ang pinakahihintay mong marka

Napangiti ka ba o napasimangot?
O di kaya ay napakamot?
Ano ba ang kinahinatnan ng marka mo?
Na dugo’t pawis ang inalay mo?!......