SIMPLENG ORASAN

Panibagong Ako...

Friday, November 23, 2007

Panibagong Ako...
Berlim M. Limbauan

Ilang taon na nga ba ako?
Ilang taon na rin ba ang nagbago?
Ngunit bakit may kulang sa aking pagkatao
Na hanggang ngayon ay hinahanap hanap ko..

Madami na rin akong pinagdaanan
Maraming hirap na din ang aking napasan
Pero bakit ganon?
Bakit parang walang nagbago sa pagkatao ko hanggang ngayon.

Maraming taon na din ang lumipas
At marami na din akong pagkakataong pinalampas.
Bakit ko ito nasasabi?
Kasi hanggang ngayon mayroong kulang sa aking sarili.

Marami na rin akong nakilala
Halos di ko na mabilang kung ilan na sila.
Marami na rin akong naging kaibigan
Na naging karamay ko at sandigan.

Marami na akong kaibigang lumayo
At di na ako pinansin at kinibo
Ngunit tila walang nagbago
Hanggang ngayon ganito pa din ako.

Okey naman ako sa aking pamilya
Lagi ko naman silang nakakasama
Wala naman kaming problema
Buo at kahit papaano'y masaya.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito
Tila wala pa ring nagbago
Ganito pa rin ako
Hinahanap ang kulang sa aking pagkatao.

Akala ko kasintahan ang sunod na solusyon
Sa problemang kinakaharap ko magpasahanggang ngayon.
Ngunit nagkamali ako...
Hindi pala siya ang solusyon sa problema ko.

Hindi ako nawalan ng pag-asa
Baka sakaling may pangalawang pagkakataon pa
Ngunit ng ako'y muling umibig
Sakit lang ang dinulot ng lintik na pag-ibig

Bigla kong tinanong ang aking sarili
Anong wala ako na meron sila?
Anong ang dapat kong gawin?
Upang ako naman ang mapansin.

Sinubukan kong isipin ang lahat
Baka sakaling maisip ko kung ano ang nararapat.
Ngunit nabigo lang ako
At sa kasamaang palad nakatulog pa ako.

Pagmulat ko ng aking mga mata
Buong paligid ko ay sadyang nag-iba
Nagulat ako sa mga nangyayari
Kaya tinanong ko uli ang aking sarili.

Totoo ba ang lahat ng ito?
Oh, Baka nananaginip lang ako.
Isang bangungot na pinaglalaruan lang ako
Upang di na makita ang hinanap ko.

Sa lahat ng mga nangyayari
Biglang may ideyang, sa isip ay sumagi
Baka pagbabago ang kailangan ko
Pagbabago sa buo kong pagkatao.

Sinubukan kong simulan ito
Nagbihis at nagbago ng anyo.
Pati ugali ay binago ko
Baka sakaling ito na ang hinahanap ko.

Ngunit hindi naging maganda ang lahat
Mayroong kulang at hindi ito sapat.
Kaya tinanong muli ang sarili
Ano ang kailangan mo sa iyong sarili?

Sinubukan kong bumalik sa nakaraan
At isipin ang mga pinagdaanan.
Meron akong mga kaibigan at pamilya
Ngunit bakit ganito ang aking nadarama

Biglang pumasok sa isip ko ang PANGINOON.
Siya ba ang sagot sa aking mga tanong?
Bigla akong napaluha
Tama! Siya na nga ang kulang at wala ng iba.

Ngayon alam ko na ang kulang sa aking sarili
Susubukan kong magbagong muli
Alam ko marami parin akong mali at pagkakasala
Pero gagawin ko ito para sa Kanya.

Naniniwala akong maraming pagbabagong mangyayari
Kung ang DIYOS sa puso nati'y naghahari
Alam kong magagawa ko ang hinahanap na pagbabago
Dahil ang DIYOS ang magiging sandigan ko.