SIMPLENG ORASAN

KABADO AKO....

Friday, March 6, 2009


Hay minsan ang hirap parin itago yung sobrang takot ko na di grumaduate kasi magkakabagsak. Minsan umiiyak nalang ako sa kwarto ko para mabawasan ang nararamdaman ko. Nakakakaba, nakakatakot at nakakalungkot.

For 4 1/2 years kong iningatan ang grades ko na sobrang pinilit kong magexcel sa klase. Ewan ko halo-halong emotion ang nararamdaman ko. Hay paginiisip ko lahat ng pwedeng mangyari mas lalo akong kinakabahan..

Kabado ako sobra pero maniniwala nalang ako sa plano ng Diyos ko sa buhay ko. God has plan for me na di dapat ang plano ko ang mangibabaw kundi sa kanya.

makakaapak na kaya ako sa PICC na nakasuot ng toga o sa april eh magaapply for summer class kasi may bagsak. Ang pangarap ko ba na grumaduate na walang bagsak ay matutupad ko ba o hindi. magiging kasing lawak ba ng dapat ang hinagpis ko dahil sa sakit na di gragraduate o about langit ang ngiti dahil sa april 13 eh magmamartsa.

siguro, sana, baka, bahala na............ basta ang alam ko ngayon kabado ako.....