SIMPLENG ORASAN

Paglilibot sa karimlan ng gabi.......

Saturday, March 10, 2007

Paglilibot sa karimlan ng gabi........
Berlim M. Limbauan

Sinubukan kong maglakad-lakad
Patungo sa isang lugar na di ko pa alam
Di sigurado kung saan ako mapapadpad
Di ito mahalaga at wala akong pakialam

Hinayaan kong alunin ako ng aking mga paa
Patungo sa landas na kakaiba
Bago sa aking paningin
Hindi ko ito namalayan at napansin

Sinubukan kong alamin ang lugar na ito
Ngunit isip ko'y litong lito
Ni bakas ng anino ng nakaraan ay wala
Dito sa lugar na dinala ng tadhana

Bakit ako dito'y napadpad
Sa lugar na di ko alam
Anong nga ba ang dahilan?
Pero wala pa rin akong pakialam...

Bigla ako'y may naaninag
Isang butas na may munting liwanag
Nilapitan ko ito at ako'y sumilip
Ako'y nabigla at biglang napapikit.

Kaya pala ako dinala dito
Sa lugar na parang ako ay isang estranghero
May malalim palang dahilan
Ngayon alam ko na, pero wala parin akong pakialam

Buti nalang dito ako pinadpad ng aking mga paa
Sa isang lugar ng puso mo na ni katiting ako'y wala
Ang tanging nakita ko ay ang masasayang alaala mo
Kasama ang iba na noon pala'y kahati ko......

Salamat at ngayon ako'y handa na
Kalimutan ang masasayang bagay noong tayong dalawa pa!!!!!
Ngayon ako'y di na aasa pa
Na babalik ka, Oh aking SINTA

Dahil sa paglilibot ko sa karimlan ng gabi
Dinala ako sa puso mo na meron pala akong kahati
At masakit pang malaman
Parang wala ka sa aking pakialam......