SIMPLENG ORASAN

PAALAM SA, PAALAM... ITSO

Friday, October 17, 2008


mahigit tatlong taon din ako sa ITSO. kung kelan last sem na eh di na ako SA. Gusto ko pa man din sanang grumaduate na SA. Siguro ganun talaga ang buhay. Aminado ako nanghihinayang ako na binitawan ko ang maging SA. Ayaw ko din kasi sa ibang department eh. Dalawang department lang naman ang gusto ko eh ang OSA at ang ITSO. Pero ngayon wala na.. huhuhuhu


Nakakalungkot pero ganun talaga. BIG 4 nalang kasi ang natira. Eh sa kasamaang palad di ako big 4.


For the past 3 years ko sa ITSO madami naman akong natutunan na sobrang magagamit ko sa field ko. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat, lalong lalo na Kay sir kit na tumanggap sa amin nung nagaapply kami, kung hindi po dahil sa inyo wala kami bilang SA. salamat po


Sa mga coSA na nagtiyaga sa ugali ko, sa tawanan, iyakan,kulitan at marami pang iba. Sobrang salamat. I will miss you all.


Anu nga ba saloobin ko sa pagpapaalam ko sa ITSO. Masaya na malulungkot. Masaya kasi malaya na ko, wala na akong room na bubuksan pag may prof, wala na akong allowance every 15 and 30 ng buwan at higit sa lahat wala ng free.......(secret un hehehe). Malungkot kasi di na ako SA, mamimiss ko kayong lahat.


Sa BIG 4 ienjoy nyo lang yung duty nyo, kahit mahirap man yan o madali, kaya niyo yan. Sa Staff ng ITSO salamat po marami akong natutunan at marami akong experience na babaunin.


Paalam Student Assistant...

Paalam ITSO...