SIMPLENG ORASAN

CONQUEST SA TIP at LUNETA...

Wednesday, June 16, 2010

Ika-15 ng Hunyo taong kasalukuyan noong una tayong nagkakilala. Sa isang lugar sa bandang luneta. Unang araw ng ”CONQUEST” ko para ibless ang lungsod ng Maynila. Mula umaga hanggang tanghali nagiisip ako ng paraan kung paano ko sisimulan ang mga unang hakbang para mapagdasal ko ang mga taong makikilala ko….


5:00 ng hapon ang uwi ko. Excited na akong umuwi at simulan ang “CONQUEST”. Aminado akong wala pa akong ganoong kagandang paraan, sabi ko nga “BAHALA NA…”.

Mga 6:30 na noon. Sinubukan kong pumasok sa TIP kasama ang mga kapatid ko sa aking tinutuluyang bahay sa Quiapo. Doon ako unang nakapagpray sa isang tao. Kabado ako noong una kasi di ko alam kung paano simulan ang pakikipag-usap Matapos noon, mga 7:30 ng gabi ng naisipan ko nang pumunta ng luneta at doon maghanap ng makakausap at maipagpepray ko.

Di nga ako nagkamali at may nakausap ako na dalawa pa. Medyo ginabi na ako noon. Di ko nasunod yung isang oras lang. Naging maganda naman ang mga naging reaksyon nila.

Pauwi na ako ng pumukaw sa atensyon ko ang isang binatilyong tila may problema. Medyo “EMO” ang dating niya. Di ko na babanggitin ang pangalan niya. Isang sekretong malupit yun. Sabi niya kasi wag ko daw sabihin eh. At nangako akong di ko sasabihin. Itago nalang natin siya sa pangalang “BROKEN EMO(wag sana siyang magalit pag nabasa niya ito kung saka sakali)”.

Sa lahat ng nakausap ko kahapon siya ang pinaka kakaiba pero siya yung talagang nakausap ko ng masinsinan at ewan ko ba kung bakit parehas kami nagopen sa isa’t isa. Siguro yun talaga ang plano ng DIYOS. Plano na magkita kami ng gabing iyon. Balik tayo. ”ATHEIST” daw siya. Di din daw siya ganoon naniniwala sa DIYOS kasi sa dinami dami ng hiniling niya eh konti palang ata ang naibibigay. Pero napagtanto ko kung “ATHEIST” talaga siya eh bakit may isang beses na nabanggit niya ang linyang ito: “Pero magaling talaga si GOD…”. Napagtanto ko ito “BEING AN ATHEIST IS THE RESULT OF LACK OF FAITH IN GOD.”. Sensya na english yung naisip ko. Natuwa talaga ako sa kanya. Di ko man siya napagpray personally eh naisama ko naman siya sa prayers ko.

Aminado akong gusto ko pa siyang makilala at matulungan sa kinakaharap niya. Alam kong marami pa kaming mapaguusapan. Lagi ko siyang ipagdarasal at kukulitin ko siya lagi. Natuwa nga ako kasi pinagkatiwalaan niya ako. At di ko sasayangin yung pagkakataon na binigay niya.

Hanggang sa huli naming paguusap ang lagi niyang sinasabi ay “KAILANGAN KO NG INSPIRASYON”. Alam ko di ko siya ganoon matutulungan pagdating sa aspeto ng problema niyang yun pero lagi ko parin siyang isasama sa mga dasal ko kasi naniniwala ako kung talagang sila noong dati niya eh sila (parang ako lang dati ah. hehehe).

Mag11 na ng gabi ng magyaya siyang umuwi na kasi nga gabi na. Sabi ko kasi sasamahan ko siya hanggat di pa siya umuuwi buti nalang di siya nagpaumaga kundi lagot ako. Pero tutupad pa din ako kahit hanggang madaling araw pa kami kahapon este kanina pala..

Siguro ang masasabi kong isa sa pinakamasaya at pinakaexciting na nangyari sa buhay ko. Kakaiba, Nasubukan ang tapang ko at higit sa lahat nadagdagan ang mga nakilala ko at naniniwala akong magiging kaibigan ko….

Sa lahat ng nakilala ko higit sa lahat kay “BROKEN EMO”. Salamat sa pagkakataon. Salamat sa oras at panahon. Salamat sa pagtitiwala. GODBLESS sa lahat..

0 comments: