SIMPLENG ORASAN

Dose..

Wednesday, July 7, 2010


Isang dosenang lungkot
Isang dosenang paghihirap
Isang dosenang problema
Isang dosenang saya.

Dose.
Labindalawa
“Twelve” sa ingles
Numero ka lang ba?

Kung ikaw ang tatanungin ko?
Anung ibig sabihin sayo ng numerong ito?
Importante din ba sayo ito?
May halaga ba ito para sayo?

Kung ikaw ay maglilibot
Kung ikaw ay magiikot..
Lagi mo itong makikita
Kahit saang sulok ng kalsada.

Minsan sa palengke
O di kaya sa presyo ng iyong binibile
Kadalasan ginagamit din ito
Sa pagtuturo.ng matematika sa mga kabataang tulad ko.

Dose, ano ka nga ba sa akin?
Labindalawa, ano ba ang gusto mong sabihin..
Baliw na nga ba ako?
Pati numero ay pinagtritripan ko

Kung titignan mo ang oras
Labindalawang oras sa umaga
Labindalawang oras sa gabi
Pero ano ba talaga ang iyong silbi?

Ano ba ang silbi mo dose ka?
Ano nga bang halaga mo labingdalawa?
Bakit mo ako ginugulo?
Bakit ikaw ang iniisip ko?

May bigla lang pumasok sa isip ko
May biglang sumagi sa kokote ko
Naalala ko lang ang bilang ng mga disipolo
Dose din pala ang mga ito..

Ngayon alam ko na bakit?
Ikaw dose ay sobrang kulet.
Pinapaalala mo lang pala
Dapat dose ko ay mabuo ko na.

Siguro nagtatanong kayo?
Bakit kailangan dose ko ay mabuo.
Simple lang  ang sagot ko
Sila ang tutulong mabago ang mundo.

Alam ko marami pa ang di alam ito
Kaya nga pala pinaalala sa akin ito
Malay niyo matulungan ko kayo
At malay ko ba isa kayo sa magiging disipolo ko.

Sabi nga lagi sa atin ng mga matatanda
Gayahin natin ang anak ng Lumikha
Di ba dose din ang disipolo niya
Ikaw ba may dose na?

Tara, dose nati’y atin ng buuin
At sabay sabay nating bayan ay baguhin
Pag nangyari yun buo na dose ko at dose mo
Malay ba natin di lang pala bayan natin ang mabago pati buong mundo

CONQUEST SA TIP at LUNETA...

Wednesday, June 16, 2010

Ika-15 ng Hunyo taong kasalukuyan noong una tayong nagkakilala. Sa isang lugar sa bandang luneta. Unang araw ng ”CONQUEST” ko para ibless ang lungsod ng Maynila. Mula umaga hanggang tanghali nagiisip ako ng paraan kung paano ko sisimulan ang mga unang hakbang para mapagdasal ko ang mga taong makikilala ko….


5:00 ng hapon ang uwi ko. Excited na akong umuwi at simulan ang “CONQUEST”. Aminado akong wala pa akong ganoong kagandang paraan, sabi ko nga “BAHALA NA…”.

Mga 6:30 na noon. Sinubukan kong pumasok sa TIP kasama ang mga kapatid ko sa aking tinutuluyang bahay sa Quiapo. Doon ako unang nakapagpray sa isang tao. Kabado ako noong una kasi di ko alam kung paano simulan ang pakikipag-usap Matapos noon, mga 7:30 ng gabi ng naisipan ko nang pumunta ng luneta at doon maghanap ng makakausap at maipagpepray ko.

Di nga ako nagkamali at may nakausap ako na dalawa pa. Medyo ginabi na ako noon. Di ko nasunod yung isang oras lang. Naging maganda naman ang mga naging reaksyon nila.

Pauwi na ako ng pumukaw sa atensyon ko ang isang binatilyong tila may problema. Medyo “EMO” ang dating niya. Di ko na babanggitin ang pangalan niya. Isang sekretong malupit yun. Sabi niya kasi wag ko daw sabihin eh. At nangako akong di ko sasabihin. Itago nalang natin siya sa pangalang “BROKEN EMO(wag sana siyang magalit pag nabasa niya ito kung saka sakali)”.

Sa lahat ng nakausap ko kahapon siya ang pinaka kakaiba pero siya yung talagang nakausap ko ng masinsinan at ewan ko ba kung bakit parehas kami nagopen sa isa’t isa. Siguro yun talaga ang plano ng DIYOS. Plano na magkita kami ng gabing iyon. Balik tayo. ”ATHEIST” daw siya. Di din daw siya ganoon naniniwala sa DIYOS kasi sa dinami dami ng hiniling niya eh konti palang ata ang naibibigay. Pero napagtanto ko kung “ATHEIST” talaga siya eh bakit may isang beses na nabanggit niya ang linyang ito: “Pero magaling talaga si GOD…”. Napagtanto ko ito “BEING AN ATHEIST IS THE RESULT OF LACK OF FAITH IN GOD.”. Sensya na english yung naisip ko. Natuwa talaga ako sa kanya. Di ko man siya napagpray personally eh naisama ko naman siya sa prayers ko.

Aminado akong gusto ko pa siyang makilala at matulungan sa kinakaharap niya. Alam kong marami pa kaming mapaguusapan. Lagi ko siyang ipagdarasal at kukulitin ko siya lagi. Natuwa nga ako kasi pinagkatiwalaan niya ako. At di ko sasayangin yung pagkakataon na binigay niya.

Hanggang sa huli naming paguusap ang lagi niyang sinasabi ay “KAILANGAN KO NG INSPIRASYON”. Alam ko di ko siya ganoon matutulungan pagdating sa aspeto ng problema niyang yun pero lagi ko parin siyang isasama sa mga dasal ko kasi naniniwala ako kung talagang sila noong dati niya eh sila (parang ako lang dati ah. hehehe).

Mag11 na ng gabi ng magyaya siyang umuwi na kasi nga gabi na. Sabi ko kasi sasamahan ko siya hanggat di pa siya umuuwi buti nalang di siya nagpaumaga kundi lagot ako. Pero tutupad pa din ako kahit hanggang madaling araw pa kami kahapon este kanina pala..

Siguro ang masasabi kong isa sa pinakamasaya at pinakaexciting na nangyari sa buhay ko. Kakaiba, Nasubukan ang tapang ko at higit sa lahat nadagdagan ang mga nakilala ko at naniniwala akong magiging kaibigan ko….

Sa lahat ng nakilala ko higit sa lahat kay “BROKEN EMO”. Salamat sa pagkakataon. Salamat sa oras at panahon. Salamat sa pagtitiwala. GODBLESS sa lahat..

WEEK OF FIRE DAY1: THE SPIRIT OF THE ARMOR-BEARER

Thursday, June 10, 2010

WEEK OF FIRE DAY1: THE SPIRIT OF THE ARMOR-BEARER
                                        (1 SAMUEL 14:1-15)

1. HE HAS A HEART LIKE GOD.
       -YOU DO NOT NEED CONFIRMATION OF WIN SOULS FOR THE LORD

2. HE HAS A SUBMISSIVE HEART
       -BE A PERSON WHO IS SUBMISSIVE TO YOUR LEADERS AND YOU SHOULD NOT HAVE REBELLIOUS HEART

3. HE HAS A HEART TO WIN THE BATTLE.
        -DONT THINK YOU WILL LOOSE THE BATTLE BECAUSE YOU ARE DESTINED TO WIN THIS BATTLE FOR THE LORD. HAVE A HEART TO WIN THIS BATTLE AND REBUKE ALL THE BAD SPIRIT IN YOUR LIFE.
4. HE IS WILLING TO DO TO EXTRA MILE
         -THE LORD GOD WILL BLESS OUR EFFORT. WE WILL NOT BE DEFEATED BECAUSE CHRIST IS IN US. CHRIST WIN THE BATTLE 2000 YRS AGO WE WILL JUST DO THE FINISHING TOUCH.

5. HE HAS THE SPIRIT TO FINISH THE TASK.
          -AS WE GO TO THE BATTLE SOME WILL BE TIRED, SOME WILL HAVE FEAR IN THEIR HEART BUT REMEMBER THIS CHRIST DIED FOR OUR SALVATION WAG MO NAMAN SARILIHIN LANG YUN. SHARE IT TO OTHERS. DI KA BA EXCITED NA MAKITA MABUO ANG 12 DISCIPLES MO. WE SHOULD FINISH THIS BATTLE AND FINISHED IT STRONG.

Isa, Dalawa, Tatlo...

Monday, May 24, 2010

Isa, Dalawa, Tatlo...
BERLIM M. LIMBAUAN

Isa, dalawa, tatlo..

Ilang taon na ba ako?

Ilang taon na din ba akong ganito?

Ilang taon na din bang magulo ang buhay ko?...



Ang dami ko namang nagawa sa buhay ko

Ang dami namang award ang nakuha ko

Pero bakit parang di ako masaya?

Bakit parang may kulang pa...



Sumubok na akong uminom ng alak

Humithit ng sigarilyong sandamakmak

Nanood ng mga palabas na malaswa

Magikot sa mall hanggang sa magsawa...



Pero bakit parang walang epekto

Bakit parang walang nagbabago...

Parang lalong lumala pa

Parang lalong gumulo pa...



Kala ko din kasintahan ang solusyon

Kaya sinubukang umibig sa di tamang panahon

Pero mali pa din ako...

Parang may kulang pa din sa aking pagkatao



Sumali na din ako sa ibat ibang palakasan

Nakipaglaban sa patalinuhan sa paaralan

Minsan talo pero kadalasan panalo

Pero ganun pa din parang di pa din ako kuntento



Naging aktibo din ako sa buhay kolehiyo

Sumali sa mga organisasyon at naging pinuno.

Pati pagtatanim ng puno ginawa ko na

Para lang maibsan ang kulang na nadarama.



Isa, dalawa, tatlo...

Ano nga ba talaga ang kailangan ko?

Isa, dalawa, tatlo...

May dapat ba akong baguhin sa aking pagkatao?



Nagawa ko na ang lahat,

Pero bakit parang di pa din ito sapat...

Parang kulang pa din,

Parang may dapat pa akong hanapin.



Pero nagbago ang lahat sa buhay ko,

Naaalala ko pa paano ito nagbago.

Nagsimula ang lahat noong kolehiyo din ako...

Noong sumali ako sa grupong ito..



Sila ang tumulong para makita ko ang kulang ko

At alam mo kung ano ito?

Wala pala akong Diyos sa buhay ko

Kahit ako'y Romano Katoliko.



Laking pasasalamat ko sa kanila

Kundi dahil sa kanila di ko makikita

Ang nawawala sa buhay ko...

Ang kinakailangan ko para mabuo ang aking pagkatao.



Ilang taon din akong naging aktibo sa grupo

Umabot din sa puntong naging isang lider din ako...

Pero bakit ganun ang aking nadama

Parang may kulang pa kahit ako'y may Diyos na.



Nagtapos na ako sa kolehiyo,

Nagkaroon na din ako ng trabaho...

Naging abala sa madaming bagay,

At madaming nagbago sa aking buhay.



Hindi na ako naging aktibo sa grupo.

Minsan pupunta pero kadalasan wala ako.

Bumalik lang ako sa dating buhay ko,

Buhay na makasalanan kahit may Diyos na ako.



Naging simple nalang ang buhay ko

Sa bahay at trabaho na umiikot ang buhay ko.

Minsan pupunta sa mall para manood ng sine

O di kaya magiikot lang pero di naman bibile.



Ilang buwan din akong ganoon ang buhay

Hanggang sa nagsawa sa buhay na walang kabuhay buhay.

Namis ko din ang mga ginawa sa grupong iyon,

Yun nga lang di na ako pwede doon.



Di na pwede kasi may trabaho na ako

Di na pwede kasi para sa mga estudyante lang yun

Kaya napilitan na akong tumalon

Sa grupo kung saan puro nagtratrabaho ang nandoon



Hindi ako gaano nakakasama sa kanila

Kasi minsan madami ngang ginagawa sa opisina

Bibihira din nga ako dumalo sa mga salo-salo

Minsan pinipili ko nalang matulog at wag ng dumalo.



Halos tamarin na din ako.

Di na din ako nagpaparamdam sa mga kakilala ko

Hinahanap nila ako.

Pero minsan umiiwas at nagtatago ako.



Di muna ako nagpakita sa kanila.

Mas pinili muna ang mag-isa.

Nagsimula uli ako sa pagbabasa ng bibliya,

Hanggang sa may dumating sa buhay ko na kakaiba.



Nagsimula ang lahat ng may dumating na bago

Bagong karoomate sa dorm na tinutuluyan ko

Noong una medyo ilag sa isat isa

Hanggang sa nakabonding at nagkakilala.



Sa isang kolehiyo sa taft siya nagaaral

Sa isang paaralan kung saan dati balak ko din doon magaral.

Mas bata siya sa akin..

Sobrang kulit niya kung tutuusin.



Di naglaon kami'y naging magkaibigan

Halos magkapatid na din ang aming turingan.

Binalak ko siyang yayain doon sa grupo,

Sa grupong dating kinabibilangan ko.



Sabi niya sige daw sasama siya

Pero may kondisyon din siya

Meron din daw siyang pinupunta sa masagana

WILDSONS daw ang sabi niya...



Nauna niya akong naisama sa pinupuntahan niya

At di nagtagal sa kanila na din ako sumasama.

Salamat sa kaniya kasi ngayon nalaman ko,

Ang totoong kulang ko sa aking buong pagkatao.



Ngayon alam ko na kung bakit ako nandito sa mundo

Alam ko na bakit ako tinawag na Diyos para magbago

Wala pala akong tunay na relasyon sa KANYA.

Kahit sinasabi kong kilala ko na SIYA.



Hindi din pala yan sa relihiyon mo

Hindi din pala yan dahil sa sarili mo

Ang dahilan ng iyong pagbabago

Kasi tinanggap mo ang Diyos na tagapagligtas mo.



Marami sa akin ang hindi naniniwala

Madami din ang nagsabing "nagbago ka na."

Meron din nagsabing binago ko daw ang relihiyon ko

May nagtanong din kung naging Kristiyano na daw ako.



Noon at ngayon, Kristiyano na talaga ako

Ngunit ang pinagkaiba lang nito

Noon nakabase ako sa relihiyong pinaniniwalaan ko

Ngayon nakabase ako sa relasyon ko kay HESUKRISTO.



Isa, dalawa, tatlo...

Dalawamput dalawang taon na pala ako.

Dalawamput dalawang taon sa kawalan

Dalawamput dalawang taon na di alam ang patutunguhan



Isa, dalawa, tatlo...

Alam ko na ngayon kung bakit ako nandito sa mundo.

Una, Mahalin ko Diyos ng higit sa lahat

Pangalawa, Mahalin ko ang tao ng buong tapat.



Isa, dalawa, tatlo...

Alam ko maraming pang mangyayari sa buhay ko

Umpisa palang ito ng tunay na pagbabago.

Pero nakanda ako sa plano ng Diyos sa buhay ko.



Isa, dalawa, tatlo...

Umpisa lang din ito ng bagong yugto ng buhay ko

Umpisa ng bagong pahina ng libro ko

Umpisa ng bagong istorya ng bagong ako.



Isa, dalawa, tatlo...

Di ko na alam ang susunod dito

Siguro hanggang dito nalang muna ito

Kwento ko nalang ang susunod na yugto sa inyo.

SENSYA NA AKING MAHAL

Wednesday, April 14, 2010

SENSYA NA AKING MAHAL
Berlim M. Limbauan

Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal.

Kung alam mo lang na isa ka sa gusto kong dalhin sa altar.
Pero kailangan ko itong tiisin,
Kailangan ko itong gawin..

Sori kung ako mismo ang umiwas at lumayo

Sori kung madali akong sumuko...
Di alam kung bakit?
Siguro napagod lang ako....

Di ko kasi makakalimutan ang araw na iyon

Araw ng mga pusong magisa lang ako...
Sinabi mong may sakit ka...
Yun pala kasama mo ang mga kaibigan mo kasi dun ka siguro masaya...

Sana sinabi mo nalang na ayaw mong magkita tayo...

o di kaya may lakad ka kasama ang mga kaibigan mo...
Pero yung ilihim ang lahat at di ka man lang nagsabi nun
Parang sobrang sakit na nun...

Mas pinili kong iwan ka di dahil di na kita mahal...

Ginawa ko yun kasi baka may iba ka nang mahal..
Umaasa ako nun na baka pigilan mo ako....
Pero isang malaking "OK" ang naging sagot mo...

Doon ko naramdaman na di pa ako ganun kahalaga sayo

Na ok lang na mawala ako at di na maging tayo...
Umaasa pa din naman ako
Pero ang sakit lang nung nabasa ko ang POST mo...

Nabasa ko sa FB mo na nagising ka na...

Nagising sa bangunot ng tayo pang dalawa...
Salamat at nalaman kong bangungot lang pala SAYO...
Ang pag-ibig na tapat na inalay ko sa IYO.

Sori di ako naging perpekto...

Sori kung mas pinili kong mag-isa nalang ako...
Sana masaya ka na ngayon...
Kasi ako masaya na ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon...

Salamat at kahit papaano minahal mo ako

Salamat sa mga panahong nagkasama tayo...
Pangako ko sayo wala paring nagbago...
Ako pa rin si BERLIM na minahal mo at naging kaibigan mo...

Fullness in Christ

Monday, April 12, 2010

We can achive a life so true... a life of perfection... a life without sin.... when we live in Christ. Now that we accept Christ as our Lord and Saviour, we should not live a life full of compromise and excuses, a life full of sin and imperfection... Now I want to live a life to the Fullness in Christ... I know I can a...chieve it because God called me to be one of His disciple..

Berlim: Stepping Up for the New Journey of His Life

Thursday, April 23, 2009

Despite of all the struggles, problems and hindrances that i have face during my college life. Here Iam wearing my toga and now a graduate. Iam so thankful to the Lord that He didnt left me alone. He always there for me to love and support. Also to my parents, to my Papa eventhough He's dead, to my mama who always been my partner to my journey, to my ate who is always there for me.

Also i want to thank my friends, classmates and groupmateS who within my 5 years stay in TIP are the people beyond this success. With this new journey of my life I hope and pray that you will always be there when i need you all.

Now after Enjoying Life's Journey in College, Iam STEPPING UP for The New Journey of My life.

Theres no more to ask for except fo one thing......

that one thing is you..........

"BEBE KOH"

I hope with this Step Up you are with me.


GOD thank you so much.. I will be your Servant forever. i love you so much.....