SIMPLENG ORASAN

SPEAK IN ENGLISH?

Friday, August 22, 2008

SPEAK IN ENGLISH?
BERLIM M. LIMBAUAN
SPEAK TO ME IN ENGLISH?....
Una kong nakita ang salita na yan sa pin ni MAM LAXA at ng di naglaon ang meron na din ang ibang departament. Alam ko tungkol yun sa kampanya ng institusyon na gamitin ang lengwaheng INGLES bilang "medium of instruction" ika nga nila. Madami nga ang sumusunod at bawat transaksyon aminado akong ganoon na nga ang ginagawa. Naaalala ko pa minsan pumunta ako sa SPS noon para magtanong ng budget ng departamento namin, nagtatagalog ako noon at sabi sakin ni mam julie "your an SA and you should speak to me in english when transacting a business". Sosyal si mam julie sa ingles na dapat pag kakausapin siya kaya ayun wala akong nagawa kundi sumunod nalang. Kahit sa ITSO kahit dumugo na lahat ng ilong ng staff at SA kakaingles eh sige parin sa pagsunod sa proyekto.
Noong una aminado ako na di ako ganun kaseryoso sa pagtulong sa proyektong ito. Kaya nga pagkatapos ko sa duty eh nagtatagalog ako. Di din kasi ako ganun kainterisado kasi madami paring estudyante ang di sumusunod. Oo alam ko siya at nakikita ko ang mga naglipanang mga tarpolin sa CASAL at ARLEGUI.Required na din kaming magsalita noon pero di pa din ako sumusunod. Di din kami nag iingles ng mga tropa ko pag naguusap at nagkwekwentuhan kasi mahirap talaga. Kahit nga pag minimeeting ko sila DSG at yung ibang officers sa tagalog din.
Pero minsan pag tinotopak ako nagiingles ako. Minsan pag wala din kaming magawa at stress na sa dami ng mga proyekto, isa ito sa mga ginagawa naming libangan at kulitan pero di kami ganun kaseryoso. Kung baga biro biro lang.
Aminado akong hirap ako sa paggamit nito at pagsalita nito pero narealize ko din na oo nga bakit di ko itry. Matagal ko na din naman na gustong subukan ito eh. Bakit di ko subukan ngayon.
Nagbago ang lahat ng pananaw ko kanina tungkol dito habang nagmemeeting kaming mga DSG presidents, staff ng SPS, GUIDANCE, iba pang departmento ng paaralan at ni Maam Soliven. Pwede din palang magkwentuhan at magtawanan sa salitang ito. Aminado akong na "NOSE BLEED" ako pero nagenjoy ako at sumakit ang panga ko kakatawa. Gusto ko nga sumali sa mga aktibidad ng kampanyang ito. hehe una dahil malaki ang papremyo pero ang gusto ko talaga eh matuto akong magsalita nito ng di nahihiya at nauutal.
Di ko maiipangakong na isang daang porsyento ang maiaalay ko kasi isa akong manunulat da wikang Filipino pero susuporta ako sa magandang adhikain ng institusyon. Nakakatuwang malaman na ginagawa talaga ng institusyon ang mga bagay bagay na makakatulong sa mga estudyante upang maging matagumpay na tao balang araw.
THINK IN ENGLISH, SPEAK IN ENGLISH. Ito ang bagong proyekto ng TIP na nakikita kong lubos na makakatulong sa tulad kong estudyante ng institusyon.
Sana di ito maglalaho at sana mas mapaigting pa ang kampanyang ito. Umasa din ako at maghihintay pa sa iba pang mga proyekto ng institusyon hindi lang sa kampanyang ito kundi sa iba pang aspeto.
BERLIM M. LIMBAUAN
PROUD TO BE A FILIPINO
PROUD TO BE A YFC
PROUD TO BE A TIPOY.

0 comments: